Guryon ng Pag-ibig

This is a poem that Nao and I collaborated on during our stint as college writers so many years past. It was also an experiment..."sa paggamit ng malalim na Tagalog." Hahaha. The poem is meant to be read alternately between the girl and guy parts. Nao! In case you already forgot this, or lost your copy, here it is! Hope you guys enjoy it...:-)


Image hosted by Photobucket.com
Guryon ng Pag-Ibig


BABAE:

Oh, lumipad ka, mahal!
Sige, taasan mo pa
Tangan ko yaring tali
Kaya’t ‘wag mag-alala

At sa iyong paglipad
Nasalubong mga ulap
Dami, kulay at hugis
Saglit mong inapuhap

Ang araw nga ay sumapit
‘di kita pipigilin
B’onhigpit aking kapit
Huwag patangay sa hangin.

Ngunit sa paglipad mo
Nawa’y ibaba ‘yong tinging
Isipin mo lamang ako
Pangako mo sana’y dinggin

Sa iyong pagbabalik
At sa iyong pagbaba
Tamis ng iyong halik
‘di pa rin nawawala

Sinta, ika’y nagbalik
Nang walang pagpipilit
Kaya’t ako’y nananabik
Sa tali’y ika’y kumapit

Ngayo’y nasa ‘king muli
Guryon ng ‘king pinawalan
Wagas na pag-ibig ang
Siyang pinawalan.
LALAKI:

Lipad ko ma’y kaytaas
Ako’y ‘di nag-aalala
‘tong tali ma’y mapigtas
Bitiwan mo man, sinta!

Kayrami mang naganap
Iba’t-ibang nakita
Kahit na sa mga ulap
Nasa isip ‘yong alaala

Kung ako man ay lilisan
Lagi mo sanang isipin
Pag-ibig kong nakamtan
Hangin ay babaliwalain

Saan man ako mapadpad
Pangako’y di babaliin
Kahit ako’y lumilipad
Lagi kitang iisipin

Kay tagal kong ginusto
Na ang labi mo’y hagkan
Mga halik at yakap mo
Aking kinakailangan

Alam it ng Maykapal
Ako man ay nananabik
Sa ‘yo aking minamahal
Kaya’t ako ay nagbalik

Tayo ay magkasama muli
Bumaba na iyong guryon
‘di na iiwan pang muli
Pakingan mo aking tugon.

Comments

Ronald Allan said…
Hmm...I'll have to look for them, but meron ata...:-)

Popular posts from this blog

Commonwealth Ave. lot for Lease

Is aspartame safe?

Peddling Snake Oil - The Khaos Super Turbo Charger