Guryon ng Pag-ibig
This is a poem that Nao and I collaborated on during our stint as college writers so many years past. It was also an experiment..."sa paggamit ng malalim na Tagalog." Hahaha. The poem is meant to be read alternately between the girl and guy parts. Nao! In case you already forgot this, or lost your copy, here it is! Hope you guys enjoy it...:-)
Guryon ng Pag-Ibig
BABAE: Oh, lumipad ka, mahal! Sige, taasan mo pa Tangan ko yaring tali Kaya’t ‘wag mag-alala At sa iyong paglipad Nasalubong mga ulap Dami, kulay at hugis Saglit mong inapuhap Ang araw nga ay sumapit ‘di kita pipigilin B’onhigpit aking kapit Huwag patangay sa hangin. Ngunit sa paglipad mo Nawa’y ibaba ‘yong tinging Isipin mo lamang ako Pangako mo sana’y dinggin Sa iyong pagbabalik At sa iyong pagbaba Tamis ng iyong halik ‘di pa rin nawawala Sinta, ika’y nagbalik Nang walang pagpipilit Kaya’t ako’y nananabik Sa tali’y ika’y kumapit Ngayo’y nasa ‘king muli Guryon ng ‘king pinawalan Wagas na pag-ibig ang Siyang pinawalan. | LALAKI: Lipad ko ma’y kaytaas Ako’y ‘di nag-aalala ‘tong tali ma’y mapigtas Bitiwan mo man, sinta! Kayrami mang naganap Iba’t-ibang nakita Kahit na sa mga ulap Nasa isip ‘yong alaala Kung ako man ay lilisan Lagi mo sanang isipin Pag-ibig kong nakamtan Hangin ay babaliwalain Saan man ako mapadpad Pangako’y di babaliin Kahit ako’y lumilipad Lagi kitang iisipin Kay tagal kong ginusto Na ang labi mo’y hagkan Mga halik at yakap mo Aking kinakailangan Alam it ng Maykapal Ako man ay nananabik Sa ‘yo aking minamahal Kaya’t ako ay nagbalik Tayo ay magkasama muli Bumaba na iyong guryon ‘di na iiwan pang muli Pakingan mo aking tugon. |
Comments